​​​​​​OPA Translation Page – Mga Tagalog

Maligayang Pagbisita sa mga webpage ng California Health Care Quality Report Card (Kard ng Ulat sa Kalidad ng Pangangalagang Pangkalusugan ng California) ng Center for Data Insights and Innovation (Sentro para sa mga Pananaw at Inobasyon sa mga Datos) o CDII. Bilang bahagi ng aming mga pagsusumikap sa pag-access ng wika, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:

Ang Google™ Translate ay isang libreng ikatlong partidong serbisyo, na hindi kontrolado ng Estado ng California. Hindi kayang garantiyahin ng Estado ng California ang pagkatumpak ng anumang pagsasaling ipinagkakaloob ng Google™ Translate at kaya, hindi mananagot sa anumang hindi tumpak na impormasyon o mga pagbabago sa pag-format ng mga pahina na nagreresulta sa paggamit ng application tool para sa pagsasalin.

Ang mga web page na kasalukuyang nasa Ingles sa website na ito ay ang mga opisyal at tumpak na pinagmumulan. Ang anumang mga hindi pagkakatulad o pagkakaibang nilikha sa pagsasalin ay hindi mandatoryo at walang legal na epekto para sa mga layunin ng pagsunod o pagpapatupad.

Ang Ginagawa Namin

Nire-rate ng California Health Care Quality Report Cards ang mga planong pangkalusugan at medikal na grupo batay sa kalidad ng medikal na pangangalaga at karanasan ng pasyente. Ang website na ito ay nagkakaloob ng impormasyon upang tulungan ang mga konsumidor na paghambingin ang kalidad ng mga planong pangkalusugan at mga medikal na grupo, matutunan ang tungkol sa mga reklamo ng konsumidor sa pangangalagang pangkalusugan, at tukuyin ang mga karapan ng pasyente at mga mapagkukunang tumutulong sa konsumidor.